MANILA, Philippines —Nakiusap si Ambassador Marciano Paynor Jr., hepe ng organizing committee sa Asia-Pacific Economic Council, ngayong Biyernes sa publiko na huwag nang gawan ng isyu ang pagpapaalis sa mga informal settlers sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Sinabi ni Paynor na bahagi ng pagtitiyak nila ng seguridad ang pagpapaalis sa mga informal settlers at hindi upang itago ang kahirapan.
Dagdag niya na maging ang pagpaparada ng mga sasakyan sa mga daraanan ng mga delegado ng APEC ay ipinagbawal.
BASAHIN: Walang signal jamming sa APEC week
"The reason that we remove our informal settlers along the main routes is really for security reasons. In security, we do everything we can. That is also the reason that we do not allow parking along these routes," pahayag ni Paynor sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Naging isyu na rin ito nang dumating ang Santo Papa sa bansa nitong Enero kung saan dinala ang mga informal settlers sa isang resort sa Batangas.
Sinabi pa ni Paynor na naglaan ang gobyerno ng P9.5-bilyon na pondo para lamang sa seguridad.
BASAHIN: Pinas 97% handa na sa APEC summit
"In this particular case, there is not much of an interest on the leaders except a few, among them the Canadian Prime Minister (Justin Trudeau), but on the whole, it is the country's responsibility individually and collectively to ensure that all these guests... come here and do their job and leave safe," paliwanag ng ambassador.
Samantala, hindi na naman dadalo sa APEC summit sa susunod na linggo sina Russian President Vladimir Putin at Indonesian President Joko Widodo.
Tiniyak naman ng gobyerno ng Russia at Indonesia na magpapadala sila ng kinatawan para sa kani-kanilang mga bansa.