Pabahay ng Red Cross sa Yolanda survivors, 66,011 pamilya na ang natulungan - Gordon

MANILA, Philippines – Mahigit sa 66,000 pamilya sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda (Haiyan) ang nagkaroon ng ligtas, mas disaster-resilient o matibay na pabahay, makaraang maabot ang 86% sa target na bilang ng bahay na ipinatatayo ng Philippine Red Cross (PRC) sa ilalim ng proyekto nitong Haiyan recovery program.  

Sa kasalukuyan, nasa total na 66,011 pamilya ang nabigyan ng bahay mula sa target nitong 80,203, na nakatakdang matapos hanggang 2016. Ito ang pinakamalaking shelter assistance na inilaan ng Red Cross sa mga naging post-disaster ope­rations nito sa bansa at sa ibang lugar, sa isyu ng bilang nang naipatayong bahay at halaga ng shelter assistance.

Sakop ng shelter project nito ang probinsiya ng Aklan, Antique, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Iloilo, Leyte, Palawan, at Western Samar; maging ang siyudad ng Bogo, Ormoc at Tacloban.

“Marami pa kaming dapat gawin para tulu­ngan ang mga biktima ng Yolanda, at hindi namin nagawa ito kung walang tulong na ibinigay ang mga matutulunging korporasyon at indibidwal, at ng ating mga Red Cross at Red Crescent partners at iba pang organisasyon sa buong mundo na nakikiisa sa ating pagsisikap,” pahayag ni PRC Chairman Richard Gordon sa isang press conference sa PRC Headquarters sa EDSA.

Kaakibat ng PRC sa lahat ng aspeto nang pagpapatayo ng pabahay ang komunidad. Maging ang mga benepisaryo ay kinunsulta para sa disenyo at plano ng mga bahay na ipinatayo ng Red Cross at mga partners nito. Nakiisa rin ang mga beneficiaries sa aktuwal na pagpa­patayo ng kanilang mga bahay.

Show comments