MANILA, Philippines – Tiniyak ni Liberal Party (LP) presidential candidate Manuel “Mar” Roxas II ngayong BIyernes na tutulungan niya ang kapangalan na maresolba ang problema sa nakakulong na anak.
Ikinalungkot ni Roxas nang malaman ang tunay na dahilan sa paghahain ni Manuel Antonio "Mar Roxas" Roxas ng certificate of candidacy sa pagkapangulo noong Oktubre 16.
“I am also a father and I know how hard it is for parents if their child is experiencing hardship,” pahayag ni Roxas.
BASAHIN: Katukayo ni Mar umatras na sa 2016 presidential race
“I will see how I can help as an ordinary citizen, starting from medical assistance so we can check the condition of his son,” dagdag niya.
Sinabi ni Manuel Antonio na nais lamang niyang makakuha ng atensyon para sa kaniyang anak na nakakulong na ng halos 20 taon sa kasong rape.
Kusang umatras sa eleksyon 2016 si Manuel Antonio kahapon kasunod na rin ng inihaing motu propio petition upang madeklara siyang nuisance candidate.
"Ayaw ko talagang tumakbo... retired policeman lang naman ako eh," wika ng kapangalan LP standard bearer.
"Gusto ko lang madinig ako para sa kaso ng anak ko. Matagal na siyang nakakulong for rape. Almost 20 years na.”