MANILA, Philippines – Sa kabila ng batikos na inaabot ng gobyerno, naniniwala si Liberal Party presidential candidate Manuel “Mar” Roxas II na madadakip at mapananagot ang mga nasa likod ng umano’y “tanim bala” scheme sa mga paliparan.
Tiniyak ni Roxas na kaisa siya ng mga Pilipino sa pagkondena ng krimeng ginagawa ng mga sindikato sa mga paliparan, partikular sa Ninoy Aquino International Airport.
“I am one with the entire nation in hoping for a speedy resolution to this issue,” pahayag ni Roxas.
BASAHIN: Honrado sa resignation: Hindi ako tumatakbo sa magandang laban
“The syndicates behind this should be held accountable. We condemn the greedy and selfish people behind this scheme that victimizes our countrymen. I am confident that those behind this scheme will be caught. However, the damage has been done,” dagdag niya.
Marami ang hindi natuwa sa naunang pahayag ni Roxas na maaaring black propaganda ang “tanim bala” laban sa administrasyon.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Joseph Abaya kahapon na 0.004 percent lamang ng 53.3 milyong pasahero nitong nakaraang taon ang nahaharang dahil sa mga balang nasa loob ng mga maleta.
Noong 2012 ay nasa 1,214 na kaso ang kanilang naitala, habang pinakamataas noong 2013 kung saan umabot ito sa 2,184.
Ngunit para kay Roxas ay hindi na mahalaga kung ilan ang nahuli.
“Regardless of the statistics, ?one person wrongfully accused is one case too many.”
Habang naniniwala si Roxas na may sindikato sa tanim bala, patuloy naman ang pagtanggi nina Abaya, Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado at Office for Transportation Security Administrator Roland Recomono na may mga taong nananamantala sa NAIA.