Naatrasan ng van, 2 pahinante sugatan

MANILA, Philippines – Dalawang pahinante ang sugatan matapos maatrasan ng kanilang van, kamakalawa sa Pasay City.

Ginagamot sa hindi binanggit na ospital ang mga biktimang sina Marlon Ignacio, 20, at Ariel Delos Santos, 41.

Sa report ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-9:30  ng umaga sa parking area ng entrance ng Mervin Mart, na matatagpuan sa FB Harrison St., ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na inaatras ng driver na si Hermie Abad Dizon ang minamaneho nitong close van na may plakang RVL-695 at hindi nito namalayan na nasa likod ang dalawa niyang pahinante na kanyang naatrasan.

Nasa custody ng pulisya ang driver ng van na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Physical Injuries.

Show comments