Palasyo nais mawala ang takot ng publiko sa NAIA

MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na imbestigahan ang umano’y “tanim-bala” sa mga paliparan ng bansa.

Nakipagpulong kaninang umaga si Aquino sa mga opisyal ng DOTC kasunod ng dumaraming bilang ng mga nabikbiktima umano ng “tanim bala” sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

"The President has been briefed and has given further instructions in order to refine the efforts under way. The DOTC as the lead agency will be updating the public," pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

BASAHIN: MIAA chief pinasisibak sa ‘tanim bala’

Isa sa pinakabagong nahulihan ng bala ang 56-anyos na lola na patungo sanang Singapore kahapon ng umaga.

Sinabi ni Lacierda na magdadagdag ng closed circuit television (CCTV) cameras sa NAIA upang mas mabantayan ang sitwasyon at malaman kung ito ba ay sinasadyang ilagay sa bag ng mga pasahero o dala mismo ng mga nais sumakay ng eroplano.

"We're looking at the process. We're looking at how that happened. We’re looking at the personnel involved," sabi ni Lacierda sa Radyo ng Bayan.

BASAHIN: Duterte sa ‘tanim bala’ sa NAIA: Ipakakain ko sa inyo ‘yang bala kahit mamatay kayo

Nais ng Palasyo na mawala ang takot ng publiko sa pagpasok sa paliparan.

"We want to take away that fear from them. We will ensure the safety of each and every passenger who uses our terminals.”

Show comments