MANILA, Philippines – Umatras na si PDP-Laban Presidential candidate Martin Diño sa halalan sa 2016 at pinangalanan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kanyang substitute.
Isinumite kahapon ni Diño ang kanyang statement of cancellation/withdrawal sa tanggapan ng Law Department ng Comelec.
Paliwanag niya, nainsulto siya nang makatanggap ng liham mula sa Comelec Law Dep’t na inirereklamo siya bilang nuisance.
Kasama si Diño sa 125 mga kandidato para sa pagkapangulo na sinulatan nila bago ito isama sa nuisance list.
Pinagdudahan din umano ng Law Dep’t ang kanyang kapasidad na maglunsad ng national campaign.
Napaulat noon na balak umano ng nasabing partido na i-substitute ni Duterte si Diño.