Bohol Representative Relampagos, et al, kinasuhan ng graft sa Sandigan

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng graft ng tanggapan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Bohol governor na ngayoy Bohol Representative Rene Relampagos dahilan sa umanoy undervalued privatization ng  provincial capitol’s water at electricity system noong taong 2000.

Kasama ni Relampagos sa kaso na sinampahan din ng graft sa Sandiganbayan sina dating  Vice Governor Edgardo Chatto at miyembro ng  Sangguniang Panlalawigan dahil sa paglabag sa e Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Si Chatto ang kasalukuyang gobernador ng  Bohol.

Kasangkot din dito na kinasuhan din ng graft sina Dennis Villareal, president ng  Salcon Power and Water consortiums na nakakuha ng kontrata sa privatization  ng electricity at water utility systems ng lalawigan.

Ang mga miyembro ng Sanggunian na nakasuhan din ng graft ay sina Arnold Lungay, Isabelito Tongco, Eufrasio Mascariñas, Concepcion Lim, Exequiel Madrinan, Severino Caberte, Tomas Abapo Jr., Francisco Alena Sr., Felix Uy, at Renato Ino­centes Lopez.

Sinasabing ang mga akusado ay nagsabwatan umano sa pagsasapribado ng water at electricity systems ng lalawigan para sa Salcon kahit na ang halaga ng kontrata ay undervalued.

Sa rekord, si Relampagos ay lumagda sa isang  joint venture kay Villareal para mailipat ang assets at franchise ng provincial electricity system para sa power consortium sa halagang  P75 milyon at para sa  water system sa isang  water consortium sa halagang P80 milyon o may kabuuang halagang P150 milyon lamang kahit na ang  two utilities ay may  assets at franchise na  P782 milyon.

Dulot nito, nalugi ang pamahalaan sa ipinasok na kontrata nina Relampagos at Chatto.

Show comments