MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Ombudsman si Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado at Bacolod city administrator Rolando Villamor matapos mapatunayang guilty sa kasong administratibo.
Si Tallado ay suspendido ng isang taon dahil sa kabiguang sundin ang utos ng Civil Service Commission na ma-reinstate si provincial veterinarian Edgardo Gonzales noong November 2013.
Suspendido rin ng isang taon ng walang bayad sina Sim Mata, Jr. (Provincial Legal Officer) at Mario dela Cruz (Supervising Administrative Officer) dahil umano sa pagkukutsabahan na tanggihang maibalik sa tungkulin si Gonzales.
Anim na buwan namang suspendido si Villamor matapos umaktong abogado ng Galeno Construction Inc. sa isang civil case laban sa city government.