MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema ang paglilitis ng kasong plunder ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan.
Ito’y sa pamamagitan ng inilabas ng SC na status quo ante order na tatagal ng 30 araw.
Inatasan din ng SC ang Sandiganbayan First Division na magbigay ng komento sa petisyon na inihain ng kampo ni Arroyo.
Una rito, sa 115-page petition ng kampo ni Arroyo, hiniling nilang baliktarin ang final ruling ng anti-graft court noong Pebrero na nagbabasura sa bail motion nito sa P366 milyon Philippine Charity Sweepstakes Office fund anomaly.
Nabatid na ang mga kapwa akusado ni Arroyo ay una nang nakalabas ng piitan matapos payagang makapaglagak ng piyansa.
Una nang sinabi ng United Nations Technical Working Group on Arbitrary Detention na labag sa international law ang pagkakadetine kay Arroyo.