PNoy dadalaw sa mga nasalanta sa Nueva Ecija

Nakatakdang magtungo si Pangulong Benigno Aquino III sa Nueva Ecija upang magdala ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyon.Facebook/ President Benignbo Aquino III account 

MANILA, Philippines - Nakatakdang puntahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga nasalanta ng Bagyong "Lando" sa lalawigan ng Nueva Ecija ngayong Lunes.

Ayon sa inilabas na schedule ng Malacañang ngayong umaga, tutungo ang pangulo sa bayan ng Santa Rosa upang mamigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

Ang mga probinsiya ng Nueva Ecija at Aurora ang nakaranas ng matinding hagupit ng Bagyong Lando kahapon.

Umabot na sa 4,467 katao na ang nabiktima ng bagyo sa Nueva Ecija, 3,758 dito ay mula sa Cabanatuan, habang nasa 9,800 katao naman ang nasalanta mula sa lalawigan ng Aurora.

Samantala, dalawang katao naman ang nasawi sa bayan ng Palayan, ayon kay Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali.

Tinatayang aabot sa 4,892 pamilya o 20,492 katao na ang nasalanta ng Bagyong Lando sa mga rehiyon ng Northern Luzon, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region.

Habang nasa 17 pagbabaha na ang naitala ng ahensiya na nangyari sa mga rehiyon ng Northern Luzon, Cagayan Valley, Central Luzon at Metro Manila.

LIVE updates: Typhoon 'Lando'

Show comments