MANILA, Philippines – “My family suffered through two tragedies due to cancer. I will never wish it to be visited on any one, much more so to Mayor Digong Duterte who I regard as my friend,” ito ang mariing pahayag ng pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas.
Reaksyon ito ni Roxas ng tanungin ng mga reporter tungkol sa akusasyon ni Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na kampo niya ang nagkalat ng balitang may cancer si Duterte kaya ‘di ito tatakbong pangulo sa 2016.
Noong Biyernes ay inamin ni Duterte na masama ang loob nito kay Roxas dahil sa kumalat na balitang ito’y may sakit.
Ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre, Jr. ang nagsulat ng exposé sa kanyang Facebook account. Itinanggi naman ni Lustre na nagtatrabaho siya para sa kampo ni Roxas.
“Digong is a friend. Matitignan ko siya ng mata sa mata wala akong black prop sa kanya,” sabi ni Roxas.
“Wala sa aking katauhan yun. My brother and father died of cancer. I would never use it to damage a campaign, or for anything,” kuwento pa ni Roxas.
Inamin ni Roxas na nagulat siya sa ibinatong akusasyon ni Duterte, na umamin ding matagal na niyang kaibigan si Roxas. “I’ve known Lustre as far as my Senate days but I’ve had no communication with him. Mahigpit itong bawal sa ating kampanya,” pagtukoy ni Roxas sa black propaganda.