PANOORIN: Bakit pinapayagan ng Comelec sina ‘Lucifer,’ Intergalactic space ambassador maghain ng COC

Higit 50 katao na ang naghain ng certificate of candidacy para sa pagkapangulo sa 2016. Philstar.com / Patricia Lourdes Viray

MANILA, Philippines – Higit 50 katao na ang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo sa eleksyon 2016 sa tanggapan ng Commission on Election.

Bukod kina Bise Presidente Jejomar Binay, Mar Roxas at Sen. Grace Poe ay ilang mga hindi kilalang Pilipino ang nais din maging pangulo.

Ilan sa mga ito ay si Romeo John Ygonia na nagpakilalang si “Archangel Lucifer” na tubong Benguet, habang isa naman ay tinatawag ang sariling si “Intergalactic space ambassador” na nakilalang si Allan Carreon.

Ipinaliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ayon sa batas ay kahit sinong Pilipino ay maaaring magpasa ng COC.

Dagdag niya na pagkatapos ng pasahan ng COC ay saka pa lamang nila ito sasalain kung sino ang kwalipikadong tumakbo.

Panoorin ang kaniyang paliwanag:

Hanggang Biyernes lamang maaaring maghain ng COC at sinabi ng Comelec na hindi na nila ito palalawigin pa.

Show comments