Hagedorn, babalik bilang ama ng Puerto Princesa

Ang magkapatid na sina  Edward at Douglas Hagedorn matapos magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy sa Comelec para sa kanilang mga kandidatura sa 2016 elections.

MANILA, Philippines - Pormal nang nagsampa ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Edward Hagedorn para sa pagtakbo bilang Mayor muli ng Puerto Princesa  City sa Commission on Elections (Comelec) sa lungsod kahapon.

Nauna rito, dumalo si Ha­gedorn sa isang misa bilang paggunita sa kanyang kaara­wan kahapon bago nagtungo sa tanggapan ng Comelec.

Sa kanyang pagbabalik sa lungsod, handa si Hagedorn na muling pasiglahin at paunlarin ang Puerto Princesa na may ilang taon din niyang nilisan.

Kasama ni Hagedorn sa paghahain ng COC sa Comelec ang kanyang kapatid na si Rep. Douglas Hagedorn para sa 3rd district ng Palawan.

 

Show comments