It’s final! Duterte hindi tatakbo sa pagka-Pangulo

MANILA, Philippines - Tinuldukan na kahapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang lumabas na ibat-ibang espekulasyon sa mga nakalipas na buwan, matapos niyang ihayag kahapon na hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.

Sa kanyang sulat sa kan­yang mga kaibigan at kapwa Dabawenyos binigyang diin nito na wala siyang ambisyon tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. 

Humingi din siya ng paumanhin sa lahat ng mga na-disappoint at nagpasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagtutulak sa kanyang kandidatura

Muli nitong inulit ang plano niyang pagreretiro sa  government service sa 2016, pero pwede siyang tumakbpo uli sa pagka-mayor kung hindi tatakbo ang kanyang anak na si Sara.

 

Show comments