MANILA, Philippines —Nakatakdang kasuhan na ng Office of the Ombudsman sina Bise Presidente Jejomar Binay, suspended Makati Mayor Ewrin “Junjun” Binay at 22 iba pa kaugnay ng maanomalyang Makati City Hall II parking building.
Sinabi ng Ombudsman na nahaharap sa kasong kriminal ang mga Binay at 22 iba pa dahil sa malversation and falsification of public documents in violation of Section 3 of Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
"Binay is being investigated for criminal acts committed while he was a city mayor and not as vice president," paglilinaw ng Ombudsman.
Nagsimula ang bidding para sa P2.28-bilyon carpark building noong alkalde pa ang nakatatandang Binay hanggang sa ginawa na ito at ang nakababatang Binay na ang nakaupo sa pwesto.
Kapwa nahaharap ang mag-ama sa four counts ng graft, six counts ng falsification of public documents at malversation charge.
Samantala, kaninang umaga ay naghain na si Bise Presidente Binay ng kaniyang certificate of candidacy para sa pagkapangulo sa 2016.
Nitong Biyernes naman ay iniutos ng Ombudsman na i-dismiss na si Junjun Binay bilang alkalde ng Makati City.