Sen. Joker Arroyo pumanaw na

MANILA, Philippines – Sumakabilang-buhay na si dating senador Joke Arroyo matapos atakihin sa puso nitong kamakalawa ng gabi.

Sa isang ospital sa ibang bansa binawian ng buhay ang 88-anyos na si Arroyo ayon sa mga source ng STAR.

Siyam na taong nanilbihan bilang kinatawan ng Makati City si Arroyo mula noong 1992 hanggang 2011, bago umupo sa senado mula 2001 hanggang 2013.

Nakilala si Arroyo dahil sa kaniyang kasimplehan, tulad ng pagkakaroon lamang ng tatlong staff, isang driver, isang sekretarya at isang legislative assistant.

Wala ring bodyguards ang dating senador at kongresista mula nang manungkulan sa publiko.

Siya rin ang iilan sa mga senador na hindi ginamit ang kaniyang taunang P200-million annual Priority Development Assistance Fund o pork barrel allocation.

Tinatayang aabot sa P2.4 bilyong pondo ng gobyerno ang hindi niya ginalaw sa kaniyang 12-taon sa senado.

Isa si Arroyo sa mga kongresistang naglagda sa endorsement ng impeachment ni dating Pangulo Joseph Estrada. Siya rin ang tumayong lead prosecutor sa impeachment trial noong Disyembre 2000.

 

Show comments