UNA pormal nang inalok si Honasan bilang VP ni Binay sa 2016

MANILA, Philippines – Inihayag ngayong Martes ng selection committee ng United Nationalist Alliance (UNA) na pormal na nilang inalok kay Sen. Gringo Honasan na maging running mate ni Bise Presidente Jejomar Binay sa 2016.

“The selection committee of the UNA announces that it is formally offering to Sen. Honasan the position of UNA's vice presidential standard bearer for 2016,” pahayag ng UNA sa kanilang Twitter account.

Naniniwala si UNA president Navotas Rep. Tobias “Toby” Tiangco na malaki ang maitutulong ni Honasan sa bansa dahil sa kaniyang malawak na karanasan sa potilika.

“He has championed the rights of urban poor and farmers, promoted the welfare of the masses, government workers, and our men and women in uniform,” pahayag ni Tiangco.

Sinabi ng UNA na tututukan ng tambalang Binay at Honasan ang kapakanan ng mga mahihirap.

Kahapon ay kinumpirma ni Sen. Vicente Sotto III na magpupulong si Honasan at Binay para sa kanilang posibleng tambalan sa 2016.

Wala pa namang desisyon si Honasan tungkol dito.

 

Show comments