MANILA, Philippines - Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na maibaba ng korte ang hatol sa mga akusado sa Maguindanao massacre bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa 2016.
Ayon kay De Lima, umaasa siyang magkakaroon ng convictions particular kina Datu Andal “Unsay” Ampatuan, Jr. at Datu Zaldy Ampatuan na sinasabing pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay kabilang na ang mga mamamahayag.
Hindi na aniya kasama dito si Datu Andal Ampatuan, Sr. na pumanaw na noong Hulyo. Matatandaang umabot sa 58 katao kabilang ang 32 journalists ang brutal na pinaslang sa kasagsagan ng paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa 2010 elections sa Maguindanao.
Ito naman ang naitalang pinakamalalang election-related violence incidents at deadliest attacks sa mga media practitioners. Tiwala si De Lima na matutuldukan na ang kaso sa kabila ng mga pagkaantala sa kaso.
Ito aniya ang commitment ng Pangulong Aquino na siguraduhin na may mananagot sa kaso.