MANILA, Philippines – Pinasinungalingan ni Senate President Franklin Drilon ang mga alegasyon na nagkakalap ng pondo o fund raising ang Partido Liberal sa pamamagitan ng pangongotong sa loob ng Bureau of Customs.
“Kalokohan iyan. There is absolutely no basis, and they are just lying,” sabi ni Drilon kaugnay sa umano’y tangka ni dating LTO chief Virginia Torres na magpalusot ng mga smuggled na asukal na ang benta unman ay mapupunta sa kampanya ng LP. Kabilang si Drilon sa LP bilang isa sa mga mataas na opisyal nito. “They are trying to save their necks,” dagdag niya.
Maaalalang natanggal sa puwesto si Torres matapos mahuli itong nagsusugal sa isang slot machines sa loob ng casino, bagay na ipinagbabawal sa mga kawani ng pamahalaan.
Naibunyag nung isang araw na sinubukan ni Torres na palusutin ang 64 container ng nasabat na asukal mula sa Thailand na nagkakahalaga ng halos P100M.
Ayon sa mga papeles ng mga container ay general merchandise lamang at wala rin itong mga kaukulang permit mula sa Sugar Regulatory Agency.
“They should dig deeper into this. You know, Torres has no business getting involved in trying to bring out shipments of smuggled sugar,” pahayag ni Drilon.
Naniniwala naman ang senador na dapat kilusan ito ng Bureau of Customs at hindi palampasin dahil lamang nagne-name drop si Torres.
“This could be the lead for Commissioner Lina to dig deeper into sugar smuggling,” diin ni Drilon.