MANILA, Philippines – Mareresolba ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case laban kay Sen. Grace Poe sa Nobyembre.
Ayon kay Sen. Vicente Sotto lll, malamang sa unang linggo ng Nobyembre ay maresolba ng SET ang kaso laban kay Sen. Poe.
Ang chairman ng SET ay si Supreme Court Justice Antonio Carpio habang ang miyembro ay sina Justices Teresita Leonardo-de Castro at Arturo Brion at Senators Loren Legarda, Bam Aquino, Pia Cayetano, Cynthia Villar at Nancy Binay.
Nakatakdang mag-convene ngayong alas-2 ng hapon ang SC en banc para sa oral argument sa disqualification case ni Poe na nakasentro sa citizenship nito na kinuwestyon ni Rizalito David.