Honasan posibleng aluking maging ka-tandem ni Binay

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Sen. Tito Sotto na kabilang si Sen. Gringo Honasan sa pinagpipilian ng kampo ni Vice-President Jejomar Binay upang maging runningmate nito sa 2016 elections.

“Wala pa ‘eh [vice presidential candidate]. Pero kung ‘di ako nagkakamali, isa sa mga pinagpipilian nila [kampo ni Binay] ‘yung best friend ko eh. Si Gringo, si Senator Honasan,” wika ni Sotto sa DZMM.

Sinabi ni Sotto, sasakit ang ulo niya sakaling tumakbo si Honasan dahil magiging hati umano ang kanyang desisyon sapagkat parehas niyang kaibigan si Sen. Grace Poe at Honasan.

Una nang naghayag ng kandidatura sa pagkapa­ngulo ang senadora noong Setyembre 16 na sinundan naman ni Sen. Chiz Escudero na nag-anunsyo rin ng kanyang pagtakbo bilang bise ni Poe.

Show comments