MANILA, Philippines - Nakatutok na rin ang Department of Health main office sa lagay ng Bicol region matapos pumalo ang dengue cases sa halos 900 ngayong taon.
Sa kabila ito ng sinasabing pagbaba ng bilang mula sa 1,000 kaso noong nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, alarming stage na kapag daan-daan na ang kaso ng naturang sakit kaya naghahanda sila ng mga programa para matugunan ang problema.
Hindi umano maaaring ipagwalang bahala ang isyung tulad nito at sa halip ay binibigyan ng prayoridad ng DOH.
Bukod dito, binabantayan din ng kagawaran ang Negros Oriental na mayroon ng 950 dengue cases.
Mataas din ang nai-record na dengue sa Dumaguete City, Guihulngan City at Canlaon City.