MANILA, Philippines – Isinugod sa ospital si Sen. Juan Ponce Enrile, madaling araw ng Miyerkules, dahil sa dengue.
Sinabi ng anak ng senador na si Katrina Ponce Enrile sa kaniyang panayam sa dzBB na naka-confine sa Makati Medical Center ang kaniyang ama.
Ilang linggo pa lamang mula nang bumalik sa Senado ang nakatatandang Enrile matapos makapagpiyansa ng P1.45 milyon.
Nahaharap sa kasong graft at plunder ang 91-anyos na senador dahil sa umano’y paglalagak ng kaniyang Priority Development Assistance Fund sa mga pekeng non-government organization.
Pinayagan ng Korte Suprema si Enrile na pansamantalang makalaya dahil sa kaniyang mahinang katawan at katandaan.