MANILA, Philippines – Dumalo ang mga matutunog na pangalang tatakbo para sa pagkapangulo sa susunod na taon na sina Sen. Grace Poe, Bise Presidente Jejomar Binay at Interior Secretary Mar Roxas sa isang prayer service.
Kinumpirma ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagdating nina Poe, Binay at Roxas sa Archdiocese of Manila kagabi ngunit iginiit na isinantabi muna ng tatlo ang politika.
Ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nag-ayos ng prayer service bilang bahagi ng kanilang pastoral care.
"It was organized by PPCRV as part of pastoral care not only of voters but also of potential candidates. The program was simple: evening prayer, dinner, meditation on humble servant leadership in the Bible and role of servant leaders in promoting the common good. No political discussion," pahayag ng cardinal sa Radio Veritas.
Sinabi ni PPCRV Chair Henrietta de Villa na muli silang magsasagawa ng prayer service kapag nakumpirma na ang mga tatakbo para sa 2016 elections.