5-anyos na bata, patay sa sagasa

MANILA, Philippines – Isang 5-anyos na batang babae ang nasawi makaraang masagasaan ng isang rumaragasang pampasaherong jeep sa Pasig City, kamaka­lawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Alfonso Hospital ay nakilalang si Jhane Nathalie Chiu, residente ng  East Bank  Road Floodway, Brgy.   Manggahan, Pasig City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap sa Amang  Rodriguez Avenue Brgy. Manggahan, Pasig City dakong alas-6:30 ng gabi.

Sinabi ni PO3 Randy Tedera, minamaneho ni Richard Sendin Ramos, 29, residente ng Alaska St., Purok 4 Malanday, Marikina City ang kanyang jeep (PWB-761) patungo sa direksiyon ng Ortigas Avenue.

Pagsapit sa Amang Rodrigue A­venue, ay napansin ng driver na mayroong sumagi sa kaliwang bum­per ng sasakyan at nang kanyang tingnan ay nakita niya ang nakabulagtang bata na duguan.

Sinasabing hindi napansin ng driver na tumawid sa nasabing kalsada ang  bata kaya nahagip niya ito.

Show comments