LRT line 4 at 6 aprub na sa NEDA

Light Rail Transit(LRT). Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng National Economic and Deve­lopment Authority (NEDA) ang pagpapagawa ng Light Rail Transit line 4 at LRT line 6.

Ayon sa NEDA, ang LRT line 4 ay mag-uugnay mula sa SM City Taytay, Rizal patungo sa intersection ng Ortigas Avenue at Edsa sa Quezon City.

Pinondohan ng P42.89-bilyon ng gobyerno ang 11-kilometro na LRT line 4 project na sinasabing magbibigay ng ginhawa sa mga residente na patungo at palabas ng Metro Manila at probinsiya ng Rizal.

Habang ang LRT line 6 ay mag-uugnay naman sa Niog, Bacoor, Cavite patungo ng Dasmariñas City.

Pinondohan ng pamahalaan ang LRT line 6 ng P64.71 bilyon na magbibigay naman ng kombinyenteng biyahe ng mga residente na palabas at papasok ng Cavite City.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC), target ng pamahalaan na bago bumaba sa puwesto si Pangulong Aquino at chairman ng NEDA board sa 2016 ay maisaayos at madagdagan ang mass transports system sa bansa.

Sinabi ng DOTC na makakatulong upang magkaroon ng ginhawa sa daloy ng trapiko sa Metro Manila kapag natapos ang mga nasabing proyekto.

Show comments