‘Dreams’ bubusisiin

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Miriam Defensor-Santiago na imbestigahan ng Senado ang napaulat na suspension ng may 100 workers ng City of Dreams Manila dahil sa umano’y pagkalugi nito. Naghain ng Senate resolution 1520 si Sen. Santiago na naglalayong imbestigahan ang plano ng casino operator na Melco Crown resorts corporation na nagpapatakbo ng casino sa City of Dreams Manila upang suspendihin ang mga workers nito dahil sa umano’y pagkalugi nito. Iniulat ng casino operator sa Philippine Stock Exchange ang pagkalugi nito ng P1.82 bilyon mula April hanggang June 2015.

Show comments