Grace-Chiz patok

MANILA, Philippines – Lumutang na malalakas na kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ang tambalan nina Senators Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero sa pinakahuling surbey na isinagawa ng Magdalo group na kaalyado ni Senador Antonio Trillanes IV.

Sa 2,937 respondents sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan na tinanong ng Magdalo sa pagitan ng Agosto 11-13 ng kasalukuyang taon, si Poe ang nanguna sa 10 pangalan na isinama ng grupo sa listahan ng mga presidentiables, na nakakopo ng 28.2 porsiyento.

Sumunod sa kanya si Vice President Jejomar Binay na may 22.3 porsiyento, pangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, 16.2%, DILG Secretary Manuel Roxas II, 15% at pang-lima lamang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa vice presidentiables naman, nakakopo si Escudero ng 53.8 porsiyento, sumunod si Trillanes sa 22.6% at pumangatlo lamang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na may 16.2% na binuntutan ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano.

Ipinaliwanag naman ni Magdalo Congressman Ashley Acedillo kung paano nila ginawa ang mga katanungan.

“In this pre-election survey, we created a scenario with 4 possible candidates who, based on information gathered, are perceived to be ma­king plans to run for vice presidency next year,” banggit ni Acedillo.

Show comments