Kasambahay ni PNoy tutol na VP siya ni Mar

Interior at Local Government Secretary Manuel Roxas II at  Pangulong Benigno Aquino III. AP file photo/Bullit Marquez

CEBU CITY, Philippines – Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III na tutol ang kanyang mga kapatid at kaanak na tumakbo pa siyang running mate ni Interior Secretary Mar Roxas sa darating na 2016 elections gaya ng panukala ng isang kaalyado sa Kamara.

Sinabi ni Pangulong Aquino na hindi lamang ang kanyang mga kapatid kundi maging ang kanyang mga kasambahay ay baka maiyak kapag tumakbo pa siyang bise-presidente ni Roxas sa 2016.

“Habang tinatanong mo sa akin ‘yan, parang nakikita ko na ‘yung mga kapatid ko naiyak na at ‘yung mga pamangkin ko humahagulhol na, at ultimo na lang si Yolly, ang aking kasamahan sa bahay, baka naman magretiro bigla.

Kung gagawin na rin naman lahat,” dagdag pa ng Pangulo sa media interview dito. Ipinanukala ni Cavite Rep. Pidi Barzaga na upang maituloy ang daang matuwid ay tumakbo si Pangulong Aquino at magsakripisyong muli bilang bise-presidente ni Roxas upang masiguro ang kanilang panalo sa 2016 elections.

Show comments