MANILA, Philippines – Pinayuhan ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte si Pangulong Aquino na huwag panghimasukan ang pamimili ng magiging runningmate ng standard bearer ng administrasyon na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Ayon kay Belmonte, matapos ang pag-eendorso kay Roxas ay hindi na dapat pakialaman ng Pangulo ang desisyon kung sino ang mapipili nitong runningmate.
Kaugnay nito, kaya itinutulak na rin ng Speaker si Senador Allan Peter Cayetano para mabigyan ng seryosong kunsiderasyon sa posibilidad na maging Vice Presidential Candidate ng administrasyon at ka-tandem ni Roxas.
Nilinaw naman nito na prayoridad pa rin ang panunuyo kay Sen. Grace Poe dahil ito talaga ang gustung-gusto nilang maging kandidato ng administrasyon sa pagka-Bise Presidente.
Subalit kung hindi umano uubra si Poe ay dapat si Cayetano na ang sumunod na choice dahil kilalang fighter ang senador.
Dahil sa hanay umano ng administrasyon ay maraming diplomatiko at malumanay kaya kailangan ng isang taong palaban tulad ni Cayetano.