Olivarez magdaraos ng SOCA

MANILA, Philippines – Takdang ipahayag ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa Agosto 20 ang kanyang taunang state-of-the-city address na magtatampok sa mga tagumpay na natamo ng kanyang administrasyon sa nagdaang tatong taon at sa kanyang mga planong pangkaunlaran sa darating pang mga taon.

Si Olivarez na sasapit na sa ika-52 taong gulang ay mananawagan din sa mga miyembro ng city council na pagtibayin ang mga panukalang-ordinansa na tututok sa pagpapaunlad sa mamamayan at susuporta sa kanyang mga programa sa ilalim ng “Bagong Parañaque” initiative.

Kasabay ng pagdami ng mga world-class hotel resorts and leisure facilities sa lungsod, naunang ipinahayag ni Olivarez na ang Parañaque ay magiging isa nang ‘Bay City’ na bagong katawagang naglalayong maging lugar na palakaibigan sa mga turista ang lungsod. Dadaluhan ng mga city officials, business, civic, religious at women groups ang SOCA na gagawin sa sport complex.

.

Show comments