MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang plano ng Commission on Election na magkaroon ng debate ang mga kandidato sa Presidential elections sa 2016.
Sinabi ni Sen. Santiago, nakasaad na ito sa kanyang panukalang Presidential Debate Reform Act na ikinasa niya noong Oktubre 2013 at naglalayon namang magbuo ng Presidential Debate Commission.?
Sa pamamagitan ng debate sa pagitan ng mga kandidato sa presidente at bise-presidente ay masusuri ng mga botante ang kakayahan ng mga kandidato.
Aniya, bubuuin ng anim na miyembro ang Presidential Debate Commission na mula sa pamahalaan, academe at non-profit organizations.
Magtatalaga ng dalawang miyembro ang Presidente na halaw naman sa mga nominado na galing sa dalawang dominanteng partido pulitika.
Habang ang apat ay pipiliin ng Senate President at House Speaker at mga majority leader ng dalawang kapulungan.