MANILA, Philippines – Humihingi ng karagdagang intelligence fund ang Commission on Human Rights (CHR) para sa anila’y mas epektibong pagtatrabaho ng kanilang mga kawani.
Sa budget hearing sa Kamara, hiniling ng mga kinatawan ng CHR na gawing P5 milyon ang kanilang intel fund imbes na P1 milyon na kasalukuyan nilang natatanggap
Ayon kay CHR Commissioner Karen Lucia Gomez Dumpit, kailangan nila ito para sa quick reaction teams ng mga opisyal at imbestigador ng ahensiya at para sa mabilis na pagkakaloob ng ayuda sa mga biktima at saksi ng mga paglabag sa karapatang pantao.
Bukod sa P5 milyon, nais din ng ahensiya na paglaanan sila ng P7 million lump sum fund sa ilalim ng personnel services para sa mga contractuals at consultants na nakatalaga sa mga tanggapan ng chairman at CHR commissioners.