Arroyo pinayagan na makipaglibing sa kapatid

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Sandiganbayan First Division ang hiling ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapunta siya sa libing ng namayapang kapatid na si Arturo Macapagal sa August 15 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Pinayagan din ng graft court si Mrs. Arroyo na makalabas kahapon, August 13 mula alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi para sa lamay.

Pero hindi na ito pinagbigyan na makalabas ng Veterans Hospital sa August 19, sa pa-siyam ng kapatid para sa gagawing novena sa araw na ito.

Si Arturo Macapagal na isang negosyante at Olympian ay namatay dahil sa stage 4 prostate cancer sa Makati Medical Center noong Lunes.

Show comments