MANILA, Philippines - Inaanyayahan ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Council for Health Research (PCHRD) ang lahat ng sports photo-journalist at news writer sa Run 4Health Research Photo and News Writing Contest sa August 9, 2015, alas-5 ng umaga sa Jalandoni Street, CCP Complex, Pasay City, kasabay ng nabanggit na patakbo.
Ayon kay Kenneth Montegrande, Event Race Director ng Run 4Health Research at Managing Director ng Streetwise Events Management and Public Relations, mag-uuwi ng tig-P10,000 ang mapipiling published photo at published article para sa first prize, habang tig-P5,000, naman para sa second at third place.
Para manalo sa photo contest kinakailangan umanong mai-published ang nasabing litrato sa August 10, araw ng Lunes. Malaking bagay din aniya ang title at caption ng ilalabas na larawan. Bukod sa published photo, kinakailangan ring isumite ang soft copy at 8-R size printed copy ng photo entry na isasali ng photographer sa Room 403 Streetwise Events Management and Public Relations, Puso ng Maynila Building, United Nations Avenue, corner Mabini Street, Ermita, Manila.
Habang ang news writing contest naman ay kinakailangan rin aniyang lumabas ng nabanggit na araw. Malaking factor ang titulo at diskarte ng pagkakasulat ng artikulo. Kinakailangan namang isumite ng writer ang kanyang original published article sa nabanggit ring office address.
Lahat ng published photo at article entries ay maaaring isumite hanggang Biyernes, August 14. Malalaman naman ang mga nagsipag-waging entries sa pamamagitan ng electronic message, koreo, at text message.