MANILA, Philippines - Sa ikaanim na pagkakataon, may aasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa ulat, maglalaro sa P0.50 hanggang P0.70 kada litro ang magiging bawas sa gasolina.
Tinatayang P0.55 hanggang P0.65 naman sa diesel at P0.40 hanggang P0.50 kada litro naman sa kerosene. Sa kabuuan, nakaka-P3 tapyas na sa diesel at P2.50 sa gasolina sa loob ng limang linggo.