Kapakanan ng AFP at PNP inaabangan sa SONA

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Umaasa si ACT-CIS Partylist Rep. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao na sa gagawing pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ay mabanggit ang kapakanan at pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Nais marinig ni Pagdilao sa SONA ng Pangulo ang pagbibigay ng prayoridad sa AFP at PNP modernization, benepisyong pension sa mga retirees, pagsugpo sa tumataas na kriminalidad at lumalalang problema sa droga, isyu ng seguridad at kaligtasan sa pagkain, pagresolba sa dumadalas na mga aberya sa MRT, kaligtasan ng mga daan at lansangan at ang paninigurado na magkakaroon ng matapat at maayos na halalan sa 2016.

Nais ni Pagdilao na magkaroon at maglatag ng malinaw at konkretong mga stratehiya para hindi lamang ipangako ang pagbabago kundi ito ay tuluyang maisakatuparan.

 

Show comments