MANILA, Philippines — Nakakita ng probable cause ang Department of Justice (DOJ) upang kasuhan ng tax evasion ngayong Lunes ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles at ang kanyang asawa.
Sinabi ng DOJ na base sa pagsisisyasat ng Bureau of Internal Revenue ay lumabas na nilabag ng mag-asawang Napoles ang section 254 ng National Internal Revenue Code (NIRC) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ng pitong taon.
Aabot sa P61.18 milyon ang utang ng mag-asawa sa BIR.
Kinasuhan din sina Napoles dahil sa hindi pagpasa ng income tax return ng tatlong taon na isang paglabag sa Section 255 ng NIRC.
Nitong nakaraang linggo ay nagbayad ng P50,000 ang kanilang anak na si Jeane, para sa kasong P17 milyon tax evasion case.