MANILA, Philippines – Bahagyang bumilis ang Bagyong Maysak (international name)na nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.
Sa advisory ng PAGASA kahapon, taglay ni Maysak ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong pumapalo sa 160 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 2,810 kilometro silangan ng Mindanao.
Oras na tumawid ng PAR line, tatawagin itong Bagyong Chedeng.
Gayunman, hindi naman ito gaanong makakaapekto sa anumang parte ng bansa.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng tumama sa Luzon o gigilid sa Visayas ang bagyo sa Biyernes Santo o Sabado de Gloria.
Kaya naman magiging maulan ang Luzon at Visayas lalo na sa weekend ng Semana Santa.