‘Pag-collapse’ ni PNoy itinanggi

Pa­ngulong Aquino

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malacañang ang tsismis na nag-collapse si Pa­ngulong Aquino noong Biyernes.

Nilinaw kahapon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na maayos ang lagay ng ka­lusugan ng Pangulo at walang karamdaman kahit ubo o sipon.

Tiniyak din ni Valte na regular na sumasailalim sa check-up ang Pangulo at nagpapatingin ito sa kanyang personal na doktor.

“I can assure you that the President is in good condition according to his physician,” wika ni Valte.

Hindi umano nila alam kung sino ang nagpakalat ng tsismis na nag-collapse ang Pangulo.

Umapela naman si Valte sa publiko na huwag agad magpakalat ng mga balitang hindi beripikado.

Show comments