MANILA, Philippines - Umabot na sa 20 senador ang lumagda sa committee report na nagsasaad na si Pangulong Aquino ang responsable sa Mamasapano massacre nitong Enero 25.
Kabilang sa mga lumagda sina Senators Grace Poe, Chiz Escudero, Tito Sotto, Serge Osmeña, Koko Pimentel, Bongbong Marcos, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, Ralph Recto, Pia Cayetano, Miriam Defensor-Santiago, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Bong Revilla, JV Ejercito, Sonny Angara, TG Guingona, Loren Legarda, Bam Aquino at Cynthia Villar.
Karamihan sa mga pumirma ay may mga manipestasyon na magdadagdag pa rin sila ng mga komento.
Matapos na makuha ang mga karagdagang komento ipapadala na ito sa plenaryo kung saan magkakaroon ng debatehan sa pagbukas ng sesyon sa Mayo.
“But I will file first on Thursday and wait for additional attachments from senators whom I requested to submit their additional positions in writing, if they have any. I will present this in May,” ayon kay Poe.