MANILA, Philippines - Tinanggal ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang pangamba ng ilang mamamayan hinggil sa balitang may krisis sa sibuyas sa Central Luzon.
Ayon kay Alcala, sa katunayan hindi kukulangin ang suplay nito sa bansa dahil sa bulto ng mga aning sibuyas sa kasalukuyan.
Nilinaw din ni Alcala na walang dahilan para tumaas ang halaga ng sibuyas sa ngayon dahil over supply ang bansa.
“Mababa ang presyo nito dahil marami ang suplay. Hindi ko po nakikitang problema yun dahil nakita ng tao na maganda ang kita sa sibuyas kaya marami ang nagtanim,” dagdag pa ni Alcala.
Kaugnay nito, hinikayat ni Alcala ang iba pang magsasaka na magtanim din ng sibuyas upang madagdagan pa ang produktong lokal na sibuyas sa bansa.