MANILA, Philippines – Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang motion for reconsideration na inihain ni Sen. Jinggoy Estrada na pawalang bisa ang plunder case na isinampa sa kanya ng Ombudsman.
Hinihiling ng senador na baligtarin ang court ruling noong January 2015 kung saan lumabas ang 9-5 na boto upang tanggihan ang orihinal na petisyon ni Estrada.
Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, tinanggihan ng SC ang apela ni Estrada dahil wala ng “substantial argument” na inihirit ito upang magkaroon ng merito na baligtarin ang naunang desisyon.
Reklamo kasi ni Estrada na nalabag ang kanyang karapatan sa due process at “equal protection” dahil sa joint resolution at joint order na inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong March 28, 2014 at June 4, 2014 na nagbigay daan upang kasuhan siya.