4 BIFF pa utas sa Marines

MANILA, Philippines - Apat pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa serye ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan sa Shariff Saydona, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Willy Manalang, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team 8, alas-10 ng gabi nang maka-engkwentro nila ang grupo ni Basit Usman sa Pusao village.

Tumagal ng 15 minuto ang sagupaan, bago tuluyang umatras ang mga bandido.

Narekober ng tropa ang isang 60mm Mortar at isang US M14 rifle. Dalawang bangkay ng BIFF ang naiwan sa nasabing encounter site, kung saan isa sa mga ito ay nakasuot pa ng uniporme ng Special Action Force (SAF).

Kahapon ng umaga ay nakasagupa naman ng bloc­king force na Marine Battalion Landing Team 6 ang mga bandido isang kilometro ang layo sa nasabi ring siyudad.

Hindi inaasahang nakita ng tropa ni 1st Lt Aljun Salinas ang 15 hanggang 30 bandidong BIFF na nauwi sa matinding palitan ng putok.

Nasamsam ang isang US M1 Garand Rifle at isang US M14 Rifle mula sa BIFF.

 

Show comments