Mga kalahok sa 2015 Manila Bay Seasports Festival

MANILA, Philippines - Mga batikang bangkero mula Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon, La Union,  Bacolod, Boracay, Iloilo, Pangasinan, Aparri, at Ilocos Sur ang maglalaban sa mga karerang stock at formula sa darating na Manila Bay Seasports Festival, na nakatakdang itanghal sa ika-14 at 15 ng Marso sa Baywalk ng Roxas Boulevard.

18 koponan naman ang maglalaban sa dragon boat competition.  Kabilang dito ang  Philippine Air Force, Crimson Dragons, Amateur Paddlers Philippines, Rogue Pilipinas, Philippine Blue Phoenix, 1925 Paddlers Club, the Philippine Coast Guard, Triton, Onslaught Racing Dragons, Ro­wers Club Philippines Sea Dragons, One Piece Drakon Sangress, Manila Ocean Park, PNP Maritime Group Patriots, the Philippine Navy, NTMA Dragon Boat Team, Adamson University Paddlers, Maharlika Drakon Racers, at Dragons Republic.

Alas-otso ng umaga magsisimula ang mga karera.  Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, at suporta mula sa Globe Telecom, Pride Detergent, Cobra Ener­gy Drink, The Gene­rics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Columbia Candies, at Herco-official distributor ng Briggs and Stratton.

Show comments