MANILA, Philippines - Isinugod sa Makati Medical Center (MMC) ngayong Huwebes si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa pneumonia, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na pinayagan nilang dalhin sa MMC si Enrile matapos hindi umepekto ang gamot na ibinigay ng PNP General Hospital.
Bandang alas-3 ng madaling araw dinala si Enrile sa MMC.
Naka hospital arrest si Enrile kaugnay ng pork barrel scam.