French pres. darating ngayon

MANILA, Philippines - Darating ngayon para sa 2-araw na state visit sa bansa si French President Francois Hollande kasama ang ilang celebrities mula sa France.

Bandang alas-4 ng hapon magtutungo sa Malacañang si Hollande para sa courtesy call nito kay Pangulong Aquino.

Tatalakayin ng dalawang lider ang partnership ng Pilipinas at France laban sa Climate Change.

Kasama ni Hollande ang kanyang mga minis­ters at ilang celebrities tulad nina actor Jeremy Irons, actor at Greenpeace spokesperson Marion Cotillard, actor-model Melanie Lurent. Ito ang kauna-unahang pagdalaw sa bansa ng isang lider ng France.

Dadalawin din ng French president ang Guiuan, Samar na tinamaan din ng super bagyong Yolanda noong 2013. (Rudy Andal)

Show comments