MANILA, Philippines – Nagdaos ng isang sit down strike kahapon ang mga guro sa mga pampublikong paaralan na humiling ng dagdag na suweldo sa gobyerno.
Ang strike ay pinangunahan ng mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa buong bansa at ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA).
Ayon kay Louie Zabala, opisyal ng MPSTA, layunin ng kanilang protesta na humingi ng dagdag-sahod sa entry level na mula P18,549 ay gawing P25,000 para sa mga guro at ang P9,000 suweldo ng mga empleyado ay gawing P15,000.
Sinabi ni Zabala, kung magmamatigas ang gobyerno sa kanilang kahilingan na umento ay magdaraos sila ng mass leave sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Sa nasabing sit-down strike, naupo lamang sa kanilang mga desk ang mga guro at hindi nagdaos ng klase sa kani-kanilang mga estudyante.