P50-M jackpot ng Ultra Lotto tinamaan

MANILA, Philippines – Tinamaan ng isang masuwerteng mananaya mula sa Leyte ang P50-M jackpot prize ng Ultra Lotto draw, ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II.

Ang tinamaang kumbinasyon sa 6/58 Ultra Lotto draw ay 47-05-17-16-57-58 na tinamaan ng isang lotto bettor mula sa Leyte.

Ito ang pangalawang tumama sa Ultra Lotto 6/58 na may minimum jackpot prize na P50-M

Sinabi din ni PCSO Acting Chairman Rojas na mas tatangkilikin ng mga mananaya ang 6/58 Ultra lotto gayundin ang ibang laro ng PCSO.

“We are confident that this first win will pave the way for more future winners. Kaya tangkilin po natin ang pinakabagong laro ng PCSO Ang Ultra Lotto 6/58. Nakatulong ka na, may pag-asa ka pang manalo,” wika pa ni Rojas.

Show comments